RSS

Category Archives: Maikling Kwento

Short stories

Alex Birthday Special

Here I am to worship

Here I am to bow down

Here I am to say that You’re my God

You’re altogether lovely

Altogether worthy

Altogether wonderful to me

Itinabi ko ang gitara at hinanap si Alex habang bumababa ng stage. Nakarating na ako sa upuan ko pero hindi ko siya nakita. Itinuon ko na lang atensyon ko sa preaching.

Matapos ang serfice, nag-uwian na ang mga tao. Nanatili kaming mga workers ng church.

“Bro, pinapatawag ka ni Micah.”

Pumunta naman ako. Nagpapatulong daw siya sa audio-visual presentation. Willing naman ako dahil naaaliw din akong mag-edit ng AVP. Ilang minuto lang naman ‘yung video kaya mabilis kong natapos.

“Micah, tapos ko na.” Wala na siya sa kwarto kaya hinanap ko siya sa labas ng working room. Pagbukas ko ng pinto, si lola ang nabungaran ko.

“Happy birthday!” korong churchmates ko.

Happy birthday to you

Nakarinig ako ng pamilyar na boses.

Happy birthday to you

Tumabi ‘yung iba para sa dadaan na may dala ng cake.

Happy birthday, happy birthday

“Happy birthday to you,” awit niya. “Happy birthday, Alexis Mihael Cortez.”

Nagpigil ako ng tawa. Kailangan talaga complete name?

“Wish, wish!” koro nila.

Nagpasalamat ako kay Lord. Kung may mahihiling man ako, ‘yun ay ang manatili sa will Niya.

“Blow the candle.”

Gnun nga ang ginawa ko.

Bago kumain ng mga hinanda sa pinagtabi-tabing mesa, pinag-pray over ako.

Salamat, Lord, sa lahat ng blessings.

Salamat sa panibagong taong pinagkaloob Mo.

Salamat sa buhay ni lola na tumayong magulang ko.

Salamat sa mga kapatiran sa simbahan.

Salamat sa banda at sa opportunity na maging musikero.

Salamat din po sa buhay ni Alex.

NAGLALAKAD kami ni Alex, papunta sa bahay niya. “Akala ko, hindi ka magsisimba.”

“Pwede ba ‘yun? Ayokong palagpasin ang date ko with the Lord.”

“Ako rin. Salamat nga pala kanina, ha.”

“Walang anuman. Isa pa, may bahagi rin doon ang church.”

“Tama ka.”

“Binata ka na.”

Tumawa lang ako. “Thank you, ate.”

“Ate? Isang taon lang ang tanda ko sa’yo.”

“Oo na.”

Tumigil kami sa tapat ng bahay niya.

“Happy birthday. Good night.”

“Good night.”

“Another year with the Lord?”

“Another year with the Lord.”

Kumaway siya at pumasok na sa gate. Hinintay kong makapasok siya sa loob bago ako umalis.

Mahigit isang taon na rin mula nang magkakilala kami. Hindi man “kami,” kuntento na kami sa kung ano’ng meron sa’min ngayon. Ika nga niya, “let’s take it slow and steady.” Focus muna kami sa studies at career. May tamang panahon para sa pag-ibig.

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Enero 23, 2016 in Maikling Kwento

 

New Year, New Me

new year new me

Page 1 of 366

BAGONG taon na naman. Panibagong chapter ng buhay ko. Tinignan ko ang listahan ng new year’s resolution ko.
  • gumising nang maaga
  • ‘wag magpuyat
  • mag-diet
  • mag-exercise
  • magpakabait
  • tumulong sa gawaing bahay
  • magtipid at mag-ipon
Okay na ‘to. Tinabi ko ‘yung papel saka tinignan ang oras. Yari. Alas-kwatro na ng umaga. Humiga na ako sa kama at mabilis na dinalaw ng antok.

*

Page 2 of 366

RIIINNGGG!!! RIIINNNGGG!!!
Ang ingay. Nangapa ako sa kama at hinanap ang phone ko. Snooze.
Ayan. Wala nang maingay.
[Lumipas ang limang minuto.]
RIIINNGGG!!! RIIINNNGGG!!!
Bad trip naman ‘to, oh. Alarm off!
“Wawa, tanghali na. Gumising ka na.”
Antok pa ‘ko.
“Hindi ka na nga nag-almusal, ‘di ka pa magtatanghalian? Bumaba ka na rito.”
Mamaya na.
Bumukas ang pinto ng kwarto.
“JOSHUA CRUZ REYES! Sus maryosep na bata ka.”
Biglang lumiwanag. Hinawi yata ang kurtina.
“Hindi ka babangon, ha?”
“Antok pa ‘ko, ma.”
“Sige, magtutulog ka pa. Bahala ka na lang maghanap ng makakain mamaya.”
Yun lang. Bumangon agad ako kahit pupungas-pungas pa ‘ko ng mata kasi ayokong maubusan ng pagkain. Mamaya na lang ako babawi ng tulog.
Palabas na ‘ko ng kwarto nang marinig ko na naman ang nanay ko.
“Magsando ka nga,” sabay bato ng damit sa mukha ko.
“Nasa bahay lang naman, eh.”
“Binata ka na kaya matuto ka nang mag-ayos ng sarili.”
Dumiretso ako sa hapag matapos magbihis.
“Happy new year!”
“Happy new year, pa.”
“Bakit parang pagod na pagod ka? Nagpuyat ka na naman noh?”
Tumango na lang ako at nagsandok ng kanin at ulam. Lechong baboy, cruspy pata, salad, kakanin… Sana araw-araw, new year.
Pagkatapos kumain, tumayo na ako at dumiretso sa sopa para manood ng TV. Sa sobrang kaaliwan ko sa panonood, ‘di ko na namalayan ang oras. Sako ko lang nalamang gabi na nang tawagin ako para maghapunan.
Pagka-kain, akyat sa kwarto. Connect sa wifi ng kapitbahay. Facebook na kunwari for five minutes hanggang sa mauwi sa five hours.
Bago matulog, tinignan ko ‘yung new year’s resolution ko. Hay. Wala na naman akong nagawa ngayong araw. Saka ko na lang uumpisahan ‘tong mga ‘to bukas.
*
Page 3 of 366
ANG boring sa bahay! Wala akong magawa.
Nagkayayaan ang barkada na magkita. Sa wakas, may magagawa na rin at makakaligo na rin. Nakakatamad kayang maligo ‘pag walang lakad.
Nagkita-kita kami sa tambayan. Kamustahan. Daldalan. Naglaro sa com shop. Nung magutom, kumain ng barkada meal. Kaso nabitin ako kaya bili uli.
“Akala ko ba, magtitipid ka na ngayong taon?”
“Pagkain naman ‘to eh. Okay lang ‘yan.”
“Nga pala, magdyi-gym kami. Sama ka?”
Hm. Kasama sa new year’s resolution ko ang mag-exercise pero… “Pass ako. Nakakatamad.”
“Bahala ka. Ikaw rin. Pang-akit kaya ‘yun sa chicks.”
“Yung mga babaing macho ang hanap, hindi naman seksi? ‘Wag na lang.”
Ngumisi lang ang tropa ko.
Pag-uwi ko ng bahay, gabi na.
“Nak, tumulong ka naman sa gawaing bahay. Puro ka na lang ganyan. Pabandying-bandying lang.”
Oo na. Ako na’ng tamad. At least, ‘di pagod.
“Maglinis ka ng kwarto mo ha?”
“Opo.” Kapag sinipag ako.
Pagdating ko sa kwarto, naalala ko ‘yung new year’s resolution ko. Pagtulong sa gawaing bahay. Kaso napagod ako kanina eh. Next time na lang.
Nung nakahilata na ‘ko sa kama, napag-isip-isip ko, mukhang hanggang sa papel lang ‘yung mga nilista ko. Masaya naman na ‘ko sa buhay ko ngayon. Okay na ‘to. Kapag ‘di na ‘ko nag-enjoy, saka na ‘ko magbabago.
 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Enero 8, 2016 in Maikling Kwento

 

Mga kataga , , ,

Regalo

Palagi na lang akong nakakatanggap ng regalo mula sa isa kong estudyante. Isa akong guro sa sekondaryang paaralan. May asawa na ako’t mga anak. Hindi ko nga mawari kung sumisipsip ba ang batang iyon o may iba pang dahilan. Usap-usapan na nga ako sa aming departamento.
Minsan ay kinompronta ko ang hayskul na estudyanteng ito. “Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ba palagi mo akong kinakausap at binibigyan ng mga regalo?” Read the rest of this entry »

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Mayo 29, 2014 in Maikling Kwento

 

Mga kataga , ,