RSS

Alin Ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak, Pangaral o Pamalo?

31 Oct
Medals-gold13

Top post of 2013

Medals-gold14

Top post of 2014

Medals-silver15

Sabi nila, buti pa ang mga bata noon, disiplinado. Bahay at eskwela lang ang kanilang mundo. Ang kanilang gawain ay ang mag-aaral at tumulong sa mga gawaing bahay. Ngayon, karamihan sa mga bata ay madalas na nasa labas ng bahay, gala rito at gala roon. Kaya nga maraming napapabalitang mga bata na napapahamak. Bihira na lang rin silang mag-aral. Para sa kanila, makapasa lang ay ayos na kahit pa sabihing ang kanilang grado ay pasang-awa lang. Hindi na nga nakakatulong sa bahay ay nagiging sakit pa ng ulo. Syempre, hindi ito hinahayaan lang ng mga magulang. Marapat na habang bata pa lang ay madisiplina na upang sa kanilang paglaki ay hindi sila mapariwara.

May dalawang istilo na ginagamit ang mga magulang, ang pagbibigay ng pangaral o sermon at ang pamamalo. Noon pa man ay ginagamit na ang istilo ng pamamalo sa pagdidisiplina sa mga bata at may mga iba na ginagamit pa rin ito hanggang ngayon. Maski nga sa mga eskwelahan noon ay ganito ang sistema. Mas madadala umano ang mga bata sa ganitong paraan. Kapag sila’y pinalo, hindi na nila uulitin ang kanilang ginawa dahil sa takot na paluing muli. Subalit sa kabila nito, ano ang natututuhan ng bata? Ang maging disiplinado upang hindi mapalo? Ang mag-aral para makasagot sa tanong ng guro at hindi mapalo? Nasaan ang aral doon? Kaya nga nariyan ang pagbibigay ng pangaral, mula sa salitang-ugat na ‘aral’. Ito na ang ginagamit ng mga magulang sa ngayon pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng mga bata kung bakit nagalit ang kanilang mga magulang. Mapagtatanto rin nila na mali nga ang kanilang ginawa. Higit sa lahat, alam na nila ang hindi at dapat nilang gawin sa susunod.

Basahin din: Pagpapalaki sa Isang Anak

Sa panahon ngayon, may mga magulang na pinapairal pa rin ang pamamalo. Ayon sa kanila, pasok sa isang tainga at labas sa kabila lang naman ang ginagawa ng mga bata kapag sinesermonan. Subalit sa aking pananaw, mas mainam na disiplinahin ang bata sa pamamagitan ng pangaral. Ang pamamalo ay sa pisikal lamang na pagbibigay ng leksyon. Ang mga bakas ay humihilom at nawawala. Samantalang ang panenermon ay nakakaapekto sa ispiritiwal na kalikasan ng bata. Kaya naman sa tuwing gagawa siya ng mali, nariyan ang kaniyang mabuting konsensya na magpapaalala sa kanya. Isa pa, makakatulong ito upang matamo ang kanilang kaganapan pagdating sa pagdedesisyon.

 
36 mga puna

Posted by sa Oktubre 31, 2012 in Sanaysay

 

Mga kataga , , , , , , ,

36 responses to “Alin Ang Mas Mainam na Disiplina sa Anak, Pangaral o Pamalo?

  1. heart angelika c. elauria

    Nobyembre 2, 2013 at 5:57 hapon

    kung sino ang nag type nitong disiplina sana balang araw maintindihan din nila ito!!!!!!!!!!!tama lahat ng sinulat mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ako nga pala si heart !!!!!!!!!!!!!!!!!may pangarap ang bawat bata………Kagaya ko may pangarap ako pero kay langan kong mag sikap !!!!!!!!!!!!!!!!!!ang pangarap ko ay maging artista lagi kong sinasabi “kaya kong abutin ang pangarap ko!!!!!!!!kung kaya nila kaya ko rin”

    Like

     
  2. DAN

    Nobyembre 28, 2013 at 10:52 umaga

    para sa akin ang mas mainam na disiplina para sa bata ay dapat itong paloin para ito ay magtanda sa kanyang na gawang kasalanan para handi na nya ito ooltin at dapat ding maintindihan nila kung ano ang ginawa nga magulang sa kanila para ito ay magsisilbing aral sa kanil…………At para malaman nila kung ano ang tma at ang mali. sa kanilang ginawa.

    Like

     
    • dante

      Enero 22, 2018 at 6:07 hapon

      Anong aral ang mapupulot ng bata sa pamamalo? Na wag gumawa ng kalokohan kasi mapapalo sila?? edi kapag nawala ang magulang ng bata o yung mamamalo sa bata, edi gagawa na siya ng kalokohan. Ang tamang pagpapalaki sa bata ay ang pag suporta at pag aaruga sa kanila, ang pagpapalaki ng bata sa takot ay hindi tama sapagkat sa paglaki ng bata maaring magnitsa ng galit sa puso ng bata sa magulang……..magkalat ng pagmamahal wag ng pamamalo.

      Like

       
  3. Tatsky

    Hulyo 4, 2014 at 10:20 hapon

    Parang hnd naman epektib ang panenermon lng.bkt yung kpatid qng bunso ni minsan hnd tlga pinalo yun ng nanay q.sinesermunan lng.eh bkt npaka suwail.tamad mag aral,tmad sa bahay.mahilig sumagot ng pabalang.ubod ng sinungaling.mahilig makipag away.13 AnYos pa lng naninigarilyo na at umiinom ng alak.nagbabarkada pa.reklamador at matigas ang ulo.”BINUSOG LNG YATA SA PAGMAMAHAL YUN EH,GINUTOM SA DISIPLINA”.

    Like

     
    • dante

      Enero 22, 2018 at 6:14 hapon

      May iba pa namang paraan para disiplinahin ang bata. Tulad ng pagbawas ng baon nila, pag confiscate ng mga gadgets niya yung mga ganung simpleng bagay. Baka kaya hindi umepekto ang panenermon sa kapatid mo, baka pinapaboran siya ng iyong mga magulang. katulad sa sitwasyon mo maaring napalo ka na ng magluang mo ngunit hindi siya pinapalo ng magulang mo. Kaya malakas ang loob niya dahil para sa kanaya kahit mali na ang ginagawa niya papaboran parin siya ng magulang niyo. dapat paluin rin siya para matuto pero kung hindi ka pa napalo ng magulang niyo at ikaw ay lumaking matino. Ang problema ay nasa kapatid mo at hindi sa pagpapalaki ng magulang ninyo.

      Like

       
  4. mary grace

    Agosto 6, 2015 at 12:46 umaga

    para sa akin mainam ang dalawa. paluin para alam niya na siya ay nagkamali lalo na kung sinabihan na nga ayaw pang sumunod.

    Like

     
  5. bryan f. marin

    Agosto 11, 2015 at 5:50 hapon

    salamat nakahanap ako para makatulung sa pag debate tungkol sa kung ano ang mas mairal ang pangaral o ang pamalo thanks.

    Like

     
    • August 1,2016

      Agosto 1, 2016 at 5:49 hapon

      para sakin ang mas mairal ang pangaral dahil kung ang pamalo ito ay nakakasakit
      sa kalusugan ng mga bata

      Like

       
  6. Joana

    Nobyembre 22, 2015 at 12:24 umaga

    Skin hnggat maaari ayokong paluin ang anak q. Hnggat kyang kausapin at pangaralan gngwa qna. Pro minzan tlg hnd rin maiwasan n hnd mapalo. Lalo na pag hnd na tama ang gngwa. Ska ko ulit kinakausap at ipinaliliwanag ng maayus kng bkt q xa napalo. Na mali na ang kanyang gngwa. Kso minsan pgktpos q xang mapalo naaawa aq. Kasi nakita ko nagkalatay xa. Pakiramdam ko tuloy masama aking nnay. Kasi napagbuhatan ko ang anak ko. Sobrang bigat sa dibdib. Kya hngga maiiwasan q ayko tlg mamalo. Kasi pra skin bka makaapekto ang pamamalo sa kanila. Nsa bata din nmn cguro un….lagi q nlng iniisip na bata pa ang anak ko. Nsa kakulitan tlg. Lagi ako ngddasal n sna ang anak ko lumaking mbuting tao. At wlang sama ng loob sakin pag napapalo q xa.

    Like

     
  7. mark

    Hulyo 24, 2016 at 2:10 hapon

    iba na talaga ang mga kabataan ngayon,dahil na rin sa makabagong mundo ginagalawan nila ngayon…hindi parehas nung araw talagang iba parin ang pagdisiplina noon sa mga bata ,ang mga bata ngayon kahit na paluin o pag sabihan sadyang hindi na rin nakikinig,dahil na rin siguro sa mga nakalakihan nilang environment ngayon,kung ibabalik lng ang panahon mas gusto ko pa ang panahon noon sa paraang pagdisiplina sa mga bata ,at simple ang buhay noon kahit walang cellphone,walang internet ..

    Like

     
  8. dennz

    Setyembre 29, 2016 at 5:26 hapon

    may anak ka na ba? mga bata na hindi sumusunod..kahit pagsabihan mo…magalit ka na deadma ka lang

    Like

     
  9. Amor Pagador

    Oktubre 5, 2016 at 12:23 hapon

    Ang totoo nyan naghahanap din ako ng sagut Sa tnung ko,,ano nga ba Ang tama?sa tingen ko parehas natin kaylagan para maturuan sla ng tama.

    Like

     
  10. Cherry

    Agosto 17, 2017 at 8:52 umaga

    Minsan ako din nappalo ko ang anak ko d ko nappigilan sarili ko.nakokonsensya ako af ter ko syang Mapalo.pero pinapaliwanag ko sa Knya Kung bakit ko siya napalo…pero tinatanong ko din siya kung bakit ko siya napalo at alam Nya..

    Like

     

Ano'ng opinyon mo?